Tuesday, October 11, 2022

DAY-15

Sinasabi nilang magkapatid tayo Dahil pareho ng apelyido Gustong itama ang pagkakamali para dito Pero ako'y pagud mag kwento Kaya hinahayaan na lang sila'y malito. 10-12-22 #trentakabalaksatrentadias

Monday, October 10, 2022

DAY-14

Ako'y mahina pag quiz ang pag-uusapan Kaya minabuti kong mag aral ng lesson Para ako'y may sagot kapag may katanungan, Pero hindi man sadya ako'y makakalimutin Kapag tinatanong na ang sagutin Hindi pa man nag simula yung quiz Kabisado kona yung sagot, Pero ewan ko ba! Ba't bigla ko na lang malilimutan Yung aking pinag-aralan Kapag si sir ay nagsimula na Yung isip ko nalilito Kung ano ang isusalat ko. Kaya naisip ko, Babaguhin ko ang aking paraan sa pag-aaral para ako'y di malito. 10-10-22 #trentakabalaksatrentadias

Sunday, October 9, 2022

DAY-13

Gabing malamig na panahon Tila kasing lamig ng inyong Kumunikasyon Na kung iisipin Hindi importante s'akin Dahil ang importante sakin Ang kumot kong gagamitin Na ngayon ay nasa sampayan Na kung sana, Naisip ko ng maaga Bago maglaba. Pero itong araw ang paasa Hindi man lang magsasabi kung siya ay sisikat pa O hindi na Kaya ako ngayon, Nilalamig sa pa bago-bagong panahon Hindi sa malabo nyong kumunikasyon Na kung iisipin walang patutunguhan. 10-9-22 #trentakabalaksatrentadias

Saturday, October 8, 2022

DAY-12

Musika ang s'yang pinaka gusto Hindi man sa pagkanta pero sa pakikinig nito, Pati ang aking pinsan nahilig dito Lalong-lalo na kapag siya ay nasa tono Ako'y nahihiyang kumanta dahil ang boses ko'y walang-wala sa tono Pinipigilan man nilang tumawa pero kitang-kita ng mata ko. Ako'y nag ensayo Para makuha ang magandang tono Pero tinadhana yata na ang boses ko ay hindi pweding pambato Sinubukan kong kumanta Dahil ako'y nagagandahan sa aking boses kapag ako'y nagiisa Pero ako'y naghihinayang sa aking ginawa At hiniling na sana Hindi ko nalang naisipan mag record ng kanta. 10-08-22 #trentakabalaksatrentadias

Friday, October 7, 2022

DAY-11

Sila ang magaganda kong lola Iniidolo at minamahal ko sila Dahil sila ang nag bigay buhay sa ina ko't ama Laking papasalamat ako'y Napunta sa masayang pamilya Nawalay man sa kanila Dahil sa malayong lugar nakatira Magkikita lang kapag kaarawan ng isa Pero nanatiling matatag at mahal ang isa't-isa 10-07-22 #trentakabalaksatrentadias

Thursday, October 6, 2022

DAY-10

Araw ng hwebes Subrang stress Kakahintay sa sundong nagdidate's Hindi magawang magalit Baka iwan saglit Pagod mang uupo, tatayo Kakahintay titiisin ko. Hindi ko magawa'ng makapag mando Dahil ako ay pasahero 10-06-22 #trentakabalaksatrentadias

Wednesday, October 5, 2022

DAY-9

Mga litratong nakakatuwa Pag ika'y wala sa tama Nagsilabasan kapag kaarawan Hindi man sadyang kunan Pero pinagkakaguluhan at pinagkakatuwa'an. 10-05-22 #trentakabalaksatrentadias

Tuesday, October 4, 2022

DAY-8

Best Friend Hindi ko man hiniling na ako'y kaibiganin Pero ibinigay ka sa akin, Laking tuwa pag ikaw ang kasama Sa problema tayo'y nag tutulongan Dahil ganyan ang tunay na kaibigan. Hindi ko man masabi ng tunay kung ga'ano ko pinapahalagahan ang ating pag kakaibigan Na hanggang ngayon tayo'y nanatiling magkasama. Kaya sana sa pagdating ng panahon na tayo'y magkalayo sa isa't-isa Tandaan mo na naging parte ako ng buhay mo bilang isang kaibigan. 10-04-22 #trentakabalaksatrentadias

Monday, October 3, 2022

DAY-7

Samtang ako galakaw sa dalan Naga huna huna na sa akong pag duko sa gi agian Unta na'y kwartang makit' an Sama sa kadako sa bayronon sa among skwelahan Pero ni abut na lang ako sa padunglan Wa'h japo'y kwartang na kit'an. 10-03-22 #trentakabalaksatrentadias

Sunday, October 2, 2022

DAY-6

Ka'y gandang pagmasdan ang iyong larawan Tila gusto ko'ng makita at masilayan ang iyong kagandahan. Para lang mapatunayan na ikaw yung lumikha sa kina adikan naming nobela Pinapangarap ko na maging isang bida Kahit kapangalan lang man sa ginagawa mong nobela. Para sa aking pagtulog dala dala ang ligaya Na sa wakas,Ako'y!napansin ng nagiisang Maxinejiji Hindi ko pinangarap maging asawa ng dakilang Maxwell Laurent Del Valle, Dahil katalinuhan lang ng nagiisang Maxpien ay sapat na para 'akin. 10-02-22 #trentakabalaksatrentadias

Saturday, October 1, 2022

DAY-5

I fall in love with boys I see on tv screen. The one in books who perfect as they can be, I spend of all my time imagining What it would be like if they existed My parents tell me, I should look for one In real life but, I get let down by both The bad boys and nice guys I'm tired of giving more than I receive So I'll stick to the boys Who don't know me. 10-01-22 #trentakabalaksatrentadias

Pizzas Hut In Hugo's Pizza 🍕

Entry-5 Hugo's pizza is a kind of food that you'd enjoy with your friends , family and love's one. And there’s not...